Details

  • Last Online: 10 hours ago
  • Location:
  • Contribution Points: 72 LV2
  • Roles:
  • Join Date: February 16, 2024
Marahuyo Project philippines drama review
Completed
Marahuyo Project
0 people found this review helpful
by nyx
Sep 15, 2024
8 of 8 episodes seen
Completed
Overall 10
Story 10.0
Acting/Cast 10.0
Music 10.0
Rewatch Value 10.0

ISANG NAPAKA-REALISTIC NA COMING-OF-AGE SERIES.

[Translate to English if y'all want hahaha. This is a Filo series so I'm writing this review in my native tongue.]

OO, HINDI SIYA BL. COMING OF AGE QUEER SERIES 'TO.

Grabe, sorry na agad kung word vomit ang lahat ng 'to, alas singko na kasi at katatapos ko lang panuorin 'tong seryeng 'to nang isang upuan.

Hindi ko talaga alam kung saan magsisimula. Lahat pinag-isipan: 'yung storyline, 'yung script, 'yung references (lalo na 'yung filo inside jokes HAHAHA YUNG SA CHINESE VESSEL NA PART TAS BENTE PESOS NA BIGAS HAHAHAHA), 'yung mga aktor na gumanap (na i think lahat sila nasa community?), 'yung cinematography, 'yung coloring, 'yung (mapanghusgang) kultura ng Pilipinas, at higit sa lahat, 'yung kasaysayan at references patungkol sa babaylan at mitolohiya. Napakahusay.

Ipinakita talaga sa seryeng 'to na kahit marami nang out na LGBTQIA+ sa Pilipinas ay hindi pa rin maiiwasan na husgahan ka ng mga taong nakapaligid sa'yo, lalo na kung nasa probinsya ka. Ang husay din kasi binigyan ng representation ang pagiging trans, intersex, at pansexual. Hindi sila nag-focus masiyado sa love story nina King at Ino pero ipinakita talaga ang dynamics ng pamilya, pagkakaibigan, at ng sosyal na aspeto.

Nagulat at nagustuhan ko rin ang pagrerepresenta ni king sa mga aktibista na walang sawang kalampagin ang mga taong nasa itaas upang maipaglaban ang karapatan ng mga LGBTQIA+ community. Nakakatuwa at napaka-refreshing makakita ng gen z na aktibista sa isang Pilipinong serye. Natuwa rin ako sa karakter ni Archie. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya bilang isang taong lumaki sa isang Katolikong pamiya. Naipakita sa seryeng 'to na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin natin ang mga virtues na na-instill ng mga dayuhang sumakop sa atin.

BASTA ANG DAMI KO PANG GUSTONG SABIHIN PERO INAANTOK NA AKO. SOBRANG PERFECT AT VERY REAL NA REAL ANG REPRESENTATION NG SERIES NA 'TO. I FEEL SO SEEN!!!! T____T

Ang problema lang sa seryeng 'to ay wala pang season 2 announcement. DIREK JP HABAC WHEN NAMAN OH IIYAK NA SI BADING SOBRANG GANDA PLSSSS T______T
Was this review helpful to you?